#Mario Kasapi
Explore tagged Tumblr posts
Text

A LITTLE BEHIND THE SCENES HISTORY FROM THE SPAWNING GROUNDS OF PROTO-FASTCORE.
PIC INFO: Spotlight on Mario A Kasapi, a.k.a., "Abnormal," manic punk drummer for blitzspeed thrash and/or "proto-fastcore" band, NEOS, photographed at Hole In The Wall Studio, Victoria, B.C., where the band recorded their now classic "Hassibah Get the Martian Brain Squeeze" EP in the fall of 1982. 📸: Pete Ells.
Source: www.pixnoy.com/post/6751585873665029122569.
#NEOS#NEOS punk#NEOS band#Punk rock#NEOS 1982#peteells#Pete Ells photography#THE NEOS#NEOS B.C.#NEOS Abnormal#Abnormal NEOS#Hole in the Wall Studio#1982#NEOS Hassibah Get the Martian Brain Squeeze EP#B.C. hardcore punk#80s hardcore punk#B.C. hardcore#THE NEOS 1982#80s hardcore#Drum Set#Proto-fastcore#Recording Studio#Drums#Mario A. Kasapi#Mario Kasapi#B.C. punk#Victoria hardcore#Punk drummer#Punk photography#NEOS Hassibah Get the Martian Brain Squeeze EP 1982
0 notes
Text
Tagalog News: Kooperatiba sa Puerto Princesa, tumanggap ng kagamitan sa seaweed production
#PHinfo: Tagalog News: Kooperatiba sa Puerto Princesa, tumanggap ng kagamitan sa seaweed production
Ang apat na Fiberglass Reinforced-Plastic Paddle Boats na naibigay sa Pandan Marine Products Marketing Cooperative (PMPMC) sa Puerto Princesa mula sa Seaweed Production and Marketing subproject sa ilalim ng Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP). (Larawan mula sa Puerto Princesa City Agriculture Office)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Mar. 9 (PIA) -- Natanggap na ng Pandan Marine Products Marketing Cooperative (PMPMC) sa Puerto Princesa ang una at ikalawang tranche ng kagamitan para sa Seaweed Production and Marketing subproject sa ilalim ng Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP).
Kabilang sa mga tool na naibigay sa nasabing kooperatiba ay isa sa limang yunit ng Fiberglass Reinforced-Plastic Floating Seaweed Solar Drier; dalawang yunit ng 35-Footer (kambal-makina, 16hp) Fiberglass Reinforced Plastic bermotor Boat at apat na yunit ng Fiberglass Reinforced-Plastic Paddle Boats.
Ang mga kagamitan na ito ay umaabot sa halagang P2.5 milyon na halos 16 prosiyento ng kabuuang halaga ng subproject na P16.1 milyon.
Maliban sa mga bangka, tumanggap din ang PMPMC ng iba pang kagamitan at suplay para sa kanilang seaweed production project tulad ng isang yunit ng moisture analyzer, 19,075 rolyo ng iba’t-ibang laki ng tali o lubid, dalawang bundle ng Double B-Neta o lambat, at 2,100 piraso ng ordinaryong mga sako.
Personal itong tinanggap ni PMPMC Chairperson Mario Mulato kamakailan.
Ang Seaweed Production and Marketing subproject ay bahagi ng enterprise development o I-REAP ng PRDP na naglalayong mapataas ang kalidad ng raw dried seaweed (RDS), produksyon at kita ng mga kasapi ng Pandan Marine Products Marketing Cooperative. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: Kooperatiba sa Puerto Princesa, tumanggap ng kagamitan sa seaweed production." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1068997 (accessed March 09, 2021 at 04:21PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: Kooperatiba sa Puerto Princesa, tumanggap ng kagamitan sa seaweed production." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1068997 (archived).
0 notes
Text
Tagalog News: EO 56, paiigtingin ang ECQ sa OccMin
#PHinfo: Tagalog News: EO 56, paiigtingin ang ECQ sa OccMin
Bilang kasapi ng COVID -19 Task Force ng lalawigan, isa si Mario Mulingbayan, tagapamuno ng PDRRMO sa nananawagan sa mga mamamayan na manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. (Voltaire Dequina/PIA OccMin)
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mar. 26 (PIA) -- Pinaiiral ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang Executive Order No. 56 bilang mahigpit na pagtalima sa idineklarang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Malacanang, bunsod ng paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Pangunahing itinatakda ng EO 56 ang 24-hour curfew sa buong probinsiya upang mapanatili ang mga mamamayan sa loob ng kanilang tahanan. Ayon kay Dr. Ma. Teresa Tan, Provincial Health Officer, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19), ang pananatili sa bahay ang nakikita ng mga eksperto na pinakamabisang paraan upang mapigilan ang pagkalat nito. Sa kabila ng curfew, pinapayagan naman aniya ang isang miyembro ng pamilya na makalabas upang bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Mahigpit namang ipinagbabawal ng EO 56 na umalis ng bahay ang mga senior citizen at mga may karamdaman, tulad ng diabetes, hypertesion, sakit sa puso at iba pa. Ayon kay Dr. Lords Mesina ng Municipal Health Office ng San Jose, karaniwang mahina ang immune system ng mga ito kaya lubhang mapanganib na mahawahan.
“Mas madali silang kapitan ng COVID-19, at posibleng maging mas malubha ang kanilang karamdaman, magkaroon ng mga komplikasyon, at maging sanhi ng pagkamatay," paliwanag ni Dr Mesina.
Sa ilalim pa rin ng lokal na kautusan, mas pinahigpit pa ang pagbabantay sa paliparan at mga pantalan sa lalawigan kung saan ang mga pinahihintulutan lamang makapasok ay mga uniformed personnel na may opisyal na pakay, mga magdadala ng gamot at medical supplies, at mga maghahatid ng tulong o ayuda sa probinsya.
Ipinaliwanag naman ni Mario Mulingbayan, OIC-Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na bagama’t itinatagubilin ng pamahalaang nasyunal na huwag pigilan ang biyahe ng mga cargo trucks na may dalang mga gamot at pagkain, nagdagdag ng patakaran ang pamahalaang panlalawigan. Aniya, hindi papayagang makapasok ang drayber at pahinante ng mga delivery truck galing sa labas ng lalawigan.
“Hanggang sa pantalan ng Abra de Ilog lamang sila, ididisinfect ang kanilang truck at papalitan sila ng drayber at pahinante na galing sa loob ng lalawigan,” saad ni Mulingbayan. Mananatili aniya sa pantalan ang mga ito habang hinihintay makabalik ang kanilang truck. Sa pamamagitan ng ganitong sistema, dagdag ng opisyal mas mapu-protektahan ang probinsiya mula sa pagpasok ng sinuman na posibleng nagtataglay ng nakamamatay na virus.
Maliban sa Matabang Port sa Abra de Ilog, mahigpit din ang pagbabantay sa Caminawit Port sa San Jose, Agkawayan Port sa Looc, Tilik Port ng Lubang at Sablayan Port sa Sablayan.
Samantala, isinasaad din ng EO 56 na bawal mamasada ang mga traysikel, bus at iba pang lokal na transportasyon sa alinmang munisipalidad sa Occidental Mindoro. Pinapayagan namang magbukas ang mga establisimyentong nagtitinda ng pagkain, gamot, agricultural supplies at fishery, water-refilling stations, banko at iba pa.
“Ang mga ito ay kautusan ng ating pambansang pamahalaan at ito rin ang ipinatutupad natin sa lalawigan,” ayon pa kay Mulingbayan.
Nakikiusap ang opisyal sa mga residente ng lalawigan na sundin ang mga ipinatutupad na kautusan upang malampasan ng lahat ang problemang hatid ng COVID 19.
“Pagsunod ang pinakamabisang aksyon at siyang inaasahan ng ating mga namumuno kaya sana manatili na lang tayo sa ating mga bahay at sakaling lalabas sumunod sa social distancing,” pagtatapos ni Mulingbayan.
May bisa ang EO 56 hanggang ika-14 ng Abril. (VND/PIAMIMAROPA)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: EO 56, paiigtingin ang ECQ sa OccMin." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1037282 (accessed March 26, 2020 at 05:23PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: EO 56, paiigtingin ang ECQ sa OccMin." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1037282 (archived).
0 notes
Text
Tagalog News: OrMin Media Club, may mga bagong opisyales na
#PHinfo: Tagalog News: OrMin Media Club, may mga bagong opisyales na
Si Fe Aquilizan-De Leon ay ang bagong Presidente ng Oriental Mindoro Media Club (OMMC). Siya rin ang kasalukuyang Chief ng Provincial Information Office (PIO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro. (Kuhang larawan ni Rexner F. Rubio)
LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 18 (PIA) -- Nanumpa na sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal na opisyales at kasapi ng Oriental Mindoro Media Club (OMMC).
Ginanap ang okasyon sa El Rancho, Brgy. Lumangbayan, noong Setyembre 14, sa pangunguna ng pangulo ng OMMC na si Fe Aquilizan-De Leon.
Si De Leon ay ang nahalal bilang bagong presidente ng organisasyon na kasalukuyan ding namumuno bilang chief ng Provincial Information Office (PIO) ng lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ang mga opisyales na nanumpa ay sina Vice President Jerry Alcayde (Manila Bulletin); Secretary Gener Cupo (DWOM FM 105.5); Treasurer Noraida Rocco (PNP Lingkod Bayan/DWOM); Auditor Evelyn Salvatierra (Island Profiles); Bus. Mgr. Leo De Leon, Jr. (Island Profiles/CMN Pilipinas) at P.R.O. Junard Acapulco (City Information Office) habang ang mga Board of Directors ay pinangunahan ni Chairperson Maricris De Jaro (Island Profiles Publisher); mga kasapi na sina Honrado 'Ding' Vega (DWOM), Dennis Nebrejo (Philippine Information Agency - Oriental Mindoro); Robert Villavicencio (GMA7) at Sandy Soriano (Radyo Natin – Barcenaga).
Samantala, ang mga bagong kasapi ng organisasyon ay sina Raquel Alcano (DWOM), Gloria Chua (Calapan Cable), Glady Mabini (Radyo Natin – Calapan), Mario Florencondia (Net25), Hancy Ramirez (DWXR Kalahi FM), Aris Licup (SPIO/Island Profiles), Wency Generato (DWOM), Richard Rocco (DWOM) at Bien Rubia (SPIO/Island Profiles) habang nasa active members list si G. Jose Leuterio ng Mindoro Bulletin at nasa inactive status naman sina Rey Jandusay, Roel Mazon at Nilo Baculo, Jr.
Dumalo din ang ilang personalidad sa lalawigan upang ipaabot ang kanilang pagbati na sina Vice Governor Antonio Perez na kumatawan kay Gob. Bonz Dolor, Bokal Edel Ilano, Calapan City Vice Mayor Gil Ramirez na kumatawan kay Mayor Arnan C. Panaligan, City Coun. Charles Pansoy, Baco Vice Mayor Eric Castillo at City ENRO at FMO Head Wilfredo Landicho (dating kasapi ng OMMC).
Nagpaabot ng pasasalamat ang bagong pangulo sa tiwala na ipinagkaloob ng mga kasapi at asahan aniya nila ang tungkulin na iniatang sa kanyang balikat ay lalo pa niyang pagbubutihin at gagawin lahat para sa kapakanan ng samahan.
Ang OMMC ay samahan ng mga lokal na mamamahayag mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan na nagsisilbing katuwang ng pamahalaan sa pagpapahayag ng mga proyekto at programang isinasagawa ng lokal at pamahalaang nasyunal. (DN/PIA-OrMin)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: OrMin Media Club, may mga bagong opisyales na." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1027452 (accessed September 18, 2019 at 10:59AM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: OrMin Media Club, may mga bagong opisyales na." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1027452 (archived).
0 notes